Ang mga kabataang sinasaktan ng magulang ay mahirap ang pinagdadaan. Sila ay parang wala nang magulang. Ito talaga ay napakahirap.Walang nag-aalaga, nagpapakain o nagpapasaya man lang. Maraming mga bata ang naghahangad ng pagmamahal ng isang magulang. Sila dapat ang nagiging gabay sa kanilang mga anak.
Dahil sa mga pananakit ng mga magulang sa isang anak, sila ay magtatanim ng sama ng loob. Pwede silang manakit ng ibang tao na mas mahina sa kanila. Ibabaling nila ang sama ng loob sa iba. Hindi nila kaya na gumante sa kanilang mga magulang kaya iba ang kanilang sasaktan. Pwede silang gumawa ng masama dahil maiisip nila na wala nang halaga ang kanilang buhay. Ito ay isang napakalaking epekto kapag hindi sila gagabayan ng isang magulang.
Kaya, ang mga taong nananakit ng anak ay isang walang kwentang tao. Para saan pa na sila ay nagkaanak kung hindi naman nila ito aalagaan. Kaya nga mayroong magulang para sa mga anak. Ang mga bata ay kailangan ng isang magandang gabay upang makayanan ang mga pagsubok sa buhay. Dapat ipakita ng magulang na mahalaga ang bawat isa sa pamilya.
Isinulat ni: Syndrell Meek Maluenda
Ang mga magulang ang siyang nag-aalaga sa mga bata. Sila ay nagpapakain at nag-aaruga sa mga bata. Sila rin ang nagtatanggol kapag ang kanilang anak ay inaaway o may kaaway. Ngunit paano kung ang mismong magulang ang nananakit at nagmamaltrato sa kanilang anak? Makatarungan ba ito?
Ang populasyon natin ay lumulubo at dumadami ang pamilya. maraming dahilan kung bakit sinasaktan ng magulang ang kanilang anak.Pero, dapat nilang maisip na mahalaga ang kanilang anak. Kung hindi, maiisip nila na bakit pa sila ipinaganak kung sasaktan lang naman sila.
Pero ngayon ay mayroon nang mga Government Offricials at NGO na tumutulong sa mga batang sinasaktan ng magulang. Kaya, dapat mahalin ng mga magulang ang kanilang anak.
Isinulat ni: Mary Ann Lapena
Ang mga kabataan na sinasaktan ng mga magulang ay napakasaklap ang karanasan. Napakasakit nito dahil nararamdaman nila na ayaw sa kanya ng kanyang mga magulang. Inaalipusta nito ang karapatang pantao na mabuhay ng malaya at makapag-aral. Masakit ito dahil hindi man lang ito ibinibigay ng magulang. Kaya, dapat talagang mahalin ng magulang ang anak upang hindi sila manakit ng iba.
Isinulat ni: Daphne Cabanit
Ang mga magulang na nananakit ng mga anak ay dapat magbago na. Dapat nilang mahalin ang kanilang mga anak dahil sila ay biyaya na Diyos sa kanila. Resposibilidad ng isang ina ang pag-aalaga sa kanilang mga anak. Hindi dapat nila ito kalimutan.
Isinulat ni: Cyn Jay Aliocod
Mahalaga ang mga anak. Ito ang dapat tandaan ng mga magulang. Mayroong karapatan ang mga anak na mabuhay ng normal. Hindi dapat ito ipagkait ng mga magulang sa kanila. Para saan pa ang kanilang pagharap sa pagsubok ng pagiging magulang kung hindi nila ito makakaya? Kaya, dapat isipin muna nila bago gawin. Dapat nila itong pagplanuhan ng maayos dahil ito ay hindi madali. Ang pananakit sa mga anak ay talagang nakakahiya sa isang magulang.
Isinulat ni: Sherwin Manatad
Maraming naidudulot ang pagmamaltrato ng mga magulang sa mga anak. Kailangan nila ng pag-aalaga pero hindi ito ang natatanggap nila. Ang ibang mga ina ay inaalagaan ng mabuti ang kanilang mga anak. Bakit hindi na lang ito ang gawin ng iba? Dapat nilang gawin ang kanilang responsibilidad.
Isinulat ni: Dave Dennis Peralta
cabanit: good
TumugonBurahinaliocod,manatad,peralta:kulang yan!!!